1. Labo

    Hindi malinaw ang mga mata ko, inaamin ko na ang mga bagay na nakikita ko ng malinaw e yung nasa harap ko lang, at ang lahat naman ng may kalayuan na, hindi na ako sigurado kung ano ba talaga.

    Dahil dito, marami-rami narin akong naging problema. Madalas akong sinasabihang snob ng mga tao, hindi daw ako pumapansin hanggang hindi nila ako pinapansin. E ayoko naman ipaliwanag ang lahat ng ito ng paulit-ulit. Nakakatamad, super effort na yon.

    Bata pa lang kasi ako e sanay na’ko sa ganitong klaseng mata. Kaya siguro nadala ko na rin sa pamumuhay ko ito - ang pagtingin lang sa kung anong malapit sa akin, at pagwawalang bahala kung sa mga bagay na malayo.

    Inaamin ko, ginusto ko rin naman maging malinaw ang pagtingin ko sa mundo. Isa sa naging solusyon ko e ang pagsusuot ng salamin. Pero bigla kong napansin na hindi rin nakakatulong ang paggamit ng salamin. Kapag lagi mo na kasing gamit, mahirap na kapag tinanggal. Feeling ko sobrang labo na ng mundo kase nasanay akong may suot na salamin. Minsan naman, nakakalimutan kong tanggalin bago ako matulog, kaya yan tuloy, wasak.

    Sa ngayon, hindi ko makita ang salamin ko, nawasak ata, pwede bang pahiramin nyo muna ako? Okay lang kahit hindi ko grado. Masabi lang na sinusubukan ko namang makakita, malabo pa rin lang talaga.

    Pero baka alam ko rin naman pala talaga kung nasan ang salamin ko, ayoko lang isuot. Kasi baka masaktan ako.

    Anlabo, anlabo masyado ng pinagsasabi ko. Parang mata ko. Ay, ewan.

    blogplug: ofwatermelonsandbananas.blogspot.com

    1 year ago  /  1 note

    1. aryannism reblogged this from josemargo
    2. josemargo posted this