1. Totoo pala ang Tanga

    Walang ginawang tanga - yan ang lagi kong hirit. Dati.

    Isa ako sa mga nagrereact ng sobra kapag may sinabihang tanga ang isang tao. Feeling ko kasi ang sakit masabihan ng ganon, pare-pareho lang naman kasi tayong lahat na nagiisip, nagkataon lang na hindi okay yung naisip mo, o di kaya desisyon mong magpaganon.

    Pero nagkamali ako. Ohyes, may tanga pala talaga.

    Ang mga umaasa sa dapat wala namang asahan, ang mga sinaktan harap-harapan ng ilang ulit pero nakakapit pa rin, ang mga nainlove sa simpleng ngiti lang, ang mga anak na hindi pinahahalagahan ang mga magulang, ang mga bully sa school na naninira ng childhood ng kabataan, ang pusa naming pasok ng pasok ng bahay kahit lagi rin namang pinapalabas agad - tanga silang lahat.

    May mga dahilan kaya nagiging tanga ang isang tao. Pwedeng environmental, puro tanga ang kasama. Contagious yon. Pwedeng hereditary, namana pa sa mga kaninuninuan. Pwede rin namang personal, choice nya maging tanga. Masaya kasi sya sa pagiging ganon.

    Pero ang bottomline, kahit ano pang dahilan mo, kahit gaano pa kalalim yan, tanga ka pa rin. Kahit pa nagkataon lang na hindi okay ang naisip mo, kahit yun talaga ang gusto mo, e sa ganon e. Tanga ka. Masakit masabihan ng tanga, e kaso minsan totoo naman tanga ka e, tanggapin mo na lang. Malay mo, malay mo lang talaga (kung nagiisip ka[kasi tanga ka]) matuto ka pa.

    Pwede mong sabihing tanga ako, sa pagiisip na may tanga, pero anong magagawa ko, tanga naman talaga ako and it my personal choice.

    blog: ofwatermelonsandbananas.blogspot.com

    1 year ago  /  4 notes

    1. aybantot reblogged this from josemargo and added:
      Contagious nga!haha!
    2. josemargo posted this