-
On Citizen Journalism
Malapit ng mawalan ng trabaho ang mga Journalists.
Habang nagkakahostage taking kahapon at nagMimiss Universe ngayon, sunod-sunod ang live streaming ng updates sa Facebook at tweets sa twitter. Nakapalaking pagbabago ang dala ng social networking sites.
Kulang na lang may nagtatanong na rin sa formspring ng - What do you feel about Venus Raj’s major major answer? Para two way communication na rin ang citizen journalism.
Sana nga lang, hindi lang yung mga highly fascinating stories ang ginaganito. Mga popularized stories ang madalas na ginaganito, tulad ng Inaugration ni P-Noy.
Sana hindi maover-power ang iba pang mga balitang dapat binibigyan ng pansin tulad ng talamak na namamatay dahil sa kapusukan ng kabataan (hazings, tortures) at ang mga nagaganap sa mga farmers ng Hacienda Luisita.
Mali, hindi pa pala mawawalan ng trabaho ang mga journalists. Mas constructive at substantive pa rin kasi sila. Yehey.
blogplug: ofwatermelonsandbananas.blogspot.com